Tinaguriang pinakamahabang lansangan sa buong mundo, ang Yonge Street sa Toronto ay napasara ng isang libo at limang daang Filipino-Canadians para itaguyod ang pagnanasa na maging "Slum-free country" ang Pilipinas at iba pang karatig na "third world" na mga bansa. Ang Gawad Kalinga Walk o GK Walk ay isang taon-taong kaganapan sa humigit tatlumput isang, 31, siyudad sa Canada at Amerika upang bigyang pansin ang lumalalang problema sa ekonomiya, gutom at kawalan ng pag-asa.
Noong Agosto 23, ngayong taon ang pinakamalaking pagsasama-sama ng mga tinaguriang bagong bayani ng ating henerasyon.
Mabuhay ang mga Pilipino na may dugong bayani na nanalaytay at naniniwala sa bayanihan upang ibangon ang bansa. Mabuhay ang Pilipinas.
***************
Last August 23, easily more than 1,500 participated in the biggest gathering of patriots in and around Toronto. A total of 5 kms closing down major streets to create awareness and bring hope to the hopeless, home to the homeless and land to the landless.